CTA

Kamusta at maligayang pagdating!

Tungkol sa CTA

Pinatatakbo ng Chicago Transit Authority (CTA) ang ikalawang pinakamalaking sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa, na nagbibigay ng serbisyo ng bus at metro tren sa Lungsod ng Chicago at sa 35 na kalapit na komunidad.

Karagdagan sa CTA, ang mga rehiyonal na serbisyo ng transit ay ibinibigay rin ng aming mga kapatid na ahensiya, Metra at Pace—kapwa ay nakakonekta sa CTA bus at riles sa napakaraming lokasyon. Mababasa mo pa ang tungkol sa mga rehiyonal at pambansang serbisyo na nagkokonekta sa CTA sa aming pahina tungkol sa mga Nagkokonektang Serbisyo.

Mayroon ding Awtomatikong Pagsasalin

Para sa karagdagang ginhawa, maaari mo ring gamitin ang Google Translate para awtomatikong magsalin ng higit pang bahagi ng aming web site.

(Pakitandaan na ang awtomatikong pagsasalin, kahit madalas epektibo, ay hindi palaging perpekto at maaari magkaroon ito ng ilang pagkakamali sa pagsasalin. Ang serbisyo ay hindi ibinibigay ng CTA at ibinibigay nang walan garantiya. Gayundin, ang awtomatikong pagsasalin ay hindi nagsasalin ng mga teksto sa mga imahen. Pakigamit nang may pag-iingat.)

Pumunta sa awtomatikong pagsasalin

Batayang Impormasyon

Planuhin ang iyong Biyahe

Makakakuha ka ng mga direksiyon bai-baitang mula sa Google Transit o ang RTA Trip Planner sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong pinanggalingan at patutunguhan sa pahinang ito.

Mga Mapa

Mga Pamasahe

Tingnan ang pahina ng aming mga Pamasahe para sa detalyadong impormasyon sa mga pamasahe. Tandaan na ang salaping pamasahe sa mga bus, mga magagamit na pamasahe sa tiket o pagbabayad sa pamamagitan ng mga app na Apple Pay, Google Pay o Samsung Pay ay iba sa mga pamasahe na nakakarga sa isang Ventra Card.

Paano Sumakay ng Tren

Ang aming sistema ng tren (kilala dito bilang ‘L’) ay nagsasakay ng daan-daang libong katao araw-araw, mula sa mahigit 140 istasyon na matatagpuan sa buong lungsod at mga kalapit na komunidad at bayan.

1. Ilagay ang istasyon at bayaran ang pamasahe.
Kapag pumasok ka sa istasyon ng tren, maaari mong ang iyong pamasahe sa turnstile o gate. Ang bawat istasyon ay may mga Ventra Vending Machine kung saan maaari kang bumili ng mga magagamit muling Ventra Card (na maaaring kargahan ng halaga ng pamasahe hanggang pitong mananakay) o mga magagamit na tiket kung kailangan mong bumili ng pamasahe.

Tandaan: Maaari ka ring bumili ng mga bagong Ventra Card o magkarga ng pamasahe sa kanila, over-the-counter, sa mahigit 1,000 Ventra lokasyon na pinagtitingian.

2. Pumunta ka sa lugar na pagsasakayan.
Ang mga istasyon ay may mga mapa at karatula para tulungan kang hanapin ang iyong daan. Ang mga tren ay makikilala sa kanilang pangalan ng ruta (kulay) at pupuntahan.

Sundan ang mga karatula papunta sa lugar na pagsasakayan sa iyong tren. Sa sandaling nasa plataforma, maghintay malapit sa mga karatula na nagpapahiwatig kung saan tumitigil ang mga tren.

3. Sumakay!
Kapag may dumarating na tren, pansinin ang ruta at pupuntahan ng tren. Halimbawa, ang isang tren sa Linyang Asul papuntang O’Hare ay magsasabing ”O’Hare” sa asul na paligid sa harapan at tagiliran ng tren.

Paano Sumakay ng Bus

1. Tumayo malapit sa karatula na hinihintuan ng CTA bus.

Ang mga hinihintuan ng bus ay kadalasang matatagpuan na isa o dalawang kanto na malayo sa isa’t isa.Tumayo malapit sa karatula para makita ka ng nagmamaneho ng bus Humihinto lamang ang mga bus sa mga minarkahang hinihintuan ng bus (maliban sa Evanston, kung saan maaari kang maghintay sa mga ligtas na interseksiyon sa kahabaan ng ruta para sa bus).

2. Tingnan ang karatula ng pupuntahan habang paparating ang bus.
Ang ilang mga hinihintuan ay pinagsisilbihan ng maraming ruta at hindi lahat ng mga bus ay pumupunta sa dulo ng linya: Basahin ang karatula para makita ang numero ng ruta ng bus, pangalan at kung saan ito tutungo. Kapag binuksan ng bus ang mga pinto nito, iaanunsiyo rin nito na maririnig ang ruta at pupuntahan ng bus.

3. Sumakay!
Ihanda ang iyong pamasahe (eksaktong pamalit, isang Ventra Card o Ventra Ticket) kapag paparating ang bus at bayaran ang iyong pamasahe habang pumapasok. Inaanunsiyo ng mga bus ang mga hinihintuan na kapwa maririnig at mababasa sa loob ng bus.

Aksesibilidad sa CTA

Nakaiskedyul na Serbisyo ng Bus

Lahat ng aming 129 ruta ng bus ay gumagamit ng mga bus na aksesibol sa mga mananakay na may mga kapansanan. May mga rampa sa lahat ng mga bus para gamitin kapag hiniling ng sinuman na nahihirapan sa mga baitang, kahit pansamantala.

Nakaiskedyul na Serbisyo ng Riles na (‘L’)

Ang sistema ng tren ng CTA ay may mahigit 100 bago o inupgrade na istasyon na aksesibol sa mga mananakay na may mga kapansanan.

Mga aksesibol na istasyon ng tren ng CTA para sa bawat linya:

Brown Line - Kayumangging Linya

Kimball, Kedzie, Francisco, Rockwell, Western, Damen, Montrose, Irving Park, Addison, Paulina, Southport, Belmont, Wellington, Diversey, Fullerton, Armitage, Sedgwick, Chicago, Merchandise Mart, Washington/Wells, Harold Washington Library-State/Van Buren, Washington/Wabash and Clark/Lake.

Blue Line - Asul na Linya

O’Hare, Rosemont, Cumberland, Harlem (O'Hare), Jefferson Park, Addison, Logan Square, Western (O’Hare), Clark/Lake, Jackson, UIC-Halsted, Illinois Medical District (Damen Entrance), Kedzie-Homan, and Forest Park.

Green Line - Berde Linya

Ashland/63rd, Halsted, Cottage Grove, King Drive, Garfield, 51st, 47th, 43rd, Indiana, 35th-Bronzeville-IIT, Cermak-McCormick Place, Roosevelt, Washington/Wabash, Clark/Lake, Clinton, Morgan, Ashland, California, Kedzie, Conservatory-Central Park Drive, Pulaski, Cicero, Laramie, Central, Harlem/Lake (Marion).

Orange Line - Kahel na Linya

Midway, Pulaski, Kedzie, Western, 35/Archer, Ashland, Halsted, Roosevelt; also Harold Washington Library-State/Van Buren, Washington/Wells, Clark/Lake, Washington/Wabash.

Pink Line - Rosas na Linya

54th/Cermak, Cicero, Kostner, Pulaski, Central Park, Kedzie, California, Western, Damen, 18th, Polk, Ashland, Morgan, Clinton, Clark/Lake, Washington/Wabash, Harold Washington Library-State/Van Buren, Washington/Wells.

Purple Line - Lilang Linya

Linden, Davis, Howard, Wilson, Belmont, Wellington, Diversey, Fullerton, Armitage, Sedgwick, Chicago, Merchandise Mart, Clark/Lake, Washington/Wabash, Harold Washington Library-State/Van Buren, Washington/Wells.

Red Line - Pulang Linya

Howard, Loyola, Granville, Wilson, Addison, Belmont, Fullerton, Clark/Division, Chicago, Grand, Lake, Jackson, Roosevelt, Cermak-Chinatown, Sox-35th, 47th, Garfield, 63rd, 69th, 79th, 87th, 95th/Dan Ryan.

Yellow Line - Dilaw na Linya 

Howard, Oakton-Skokie, Dempster-Skokie

System status snapshot
‘L’ route status
Red Line
Normal Service
Blue Line
Normal Service
Brown Line
Normal Service
Green Line
Normal Service
Orange Line
Normal Service
Pink Line
Normal Service
Purple Line
Normal Service
Yellow Line
Normal Service
Bus routes w/alerts
Elevator alerts